Pilipinas, handang handa na sa pag-host ng ASEAN summit – Malacanang

0
asean-648x430

‘All-systems go’ na ang preparasyon ng gobyerno lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pangangasiwa ng bansa sa ASEAN Summit sa Metro Manila ngayong linggo.

Bukod sa ASEAN Summit, magsasagawa rin ng state visit sa bansa si Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkiah sa April 27 at Indonesian President Joko Widodo sa April 28.

Ngayong araw hanggang Miyerkules, isasagawa ang mga ministerial meetings gaya ng ASEAN Creative Cities Forum and Exhibition habang sa April 28 at 29 ang ASEAN Summit proper na dadaluhan ng mga heads of states mula sa 10 ASEAN-member countries kasama si Pangulong Duterte.

Nagsisimula na ring dumating ang mga delegado sa international event at inaasahang makukompleto ang 10 heads of states sa April 28, bisperas ng summit proper.

Una ng sinabin ni Pangulong Duterte na handang-handa na siya bilang chairman ng ASEAN summit ngayong taon at matagal na siyang nakapagbasa-basa ng mga ASEAN briefings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *