Pilipinas posibleng bumili ng armas sa Russia matapos ang state visit doon ni Pang. Duterte
Posibleng bumili ng mga armas ang Pilipinas kasabay ng kauna-unahang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia ngayong linggo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, kilala ang Russia sa kanilang mga de-kalibreng military equipment kaya malaki ang posibilidad na bibili ng mga kagamitang pandigma ang Pilipinas sa Moscow.
Bukod dito, aalukin din ni Duterte ang Russia na mag-invest sa Pilipinas.
Hihingi rin aniya ng tulong ang Pangulo kina Russian President Vladimir Putin at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa paglutas ng problema ng iligal na droga sa Pilipinas.
Nakatakda ang unang official visit ni Pangulong Duterte sa Russia mula Mayo 22 hanggang 26 bilang bahagi ng independent foreign policy ng Duterte administration.