Plano ng China na gawing nature reserve ang Scarborough Shoal bagong strategy na naman

Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement
Bagong strategy na naman umano ng China para makontrol ang Bajo de Masinloc, ang plano nitong gawing nature reserve ang Scarborough Shoal.
Giit ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, gusto lang ng China na palawakin pa ang kanilang kontrol.
Binatikos din ni Goitia ang China dahil kung tutuusin, mga mangingisda naman nila ang sumira ng bahura at nanghuli ng mga endangered species.
Isa aniya itong malinaw na paglabag sa United Nations Convention on The law of the Seas (UNCLOS), 2016 Arbitral Award, at 2022 Declaration on the Conduct of Parties.
Matapos ang matagumpay na dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” kinumpirma ni Goitia na may isang bagong pelikula patungkol sa harassment na ginagawa ng China sa West Philippine Sea ang binubuo ngayon.
Madelyn Moratillo