Planong pagtataas ng terminal fee ipinag-utos ng PPA na ipagpaliban

0

Photo: Courtesy of PPA

Bilang tugon sa nararanasang state of calamity sa Oriental Mindoro, ipinag-utos ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang pansamantalang pagpapaliban sa aplikasyon ng Asian Terminals Inc., para sa planong pagtataas ng terminal fee sa pantalan.

Nabatid na mula sa P30, plano sanang itaas sa P100 ang terminal fee adjustment.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Santiago na hihintayin muna nilang makabangon ang lalawigan.

Marami kasing taga Mindoro ang gumagamit sa Batangas Passenger Terminal.

Sabi ni Santiago, patuloy ang koordinasyon ng PPA sa lokal na pamahalaan.

Tiniyak niya na pag-aaralan nilang mabuti ang hiling na terminal fee adjustment para mabalanse ang magiging epekto nito. Ang Batangas Port ay may kapasidad na hanggang walong libong pasahero.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *