Plastic-free campaign isusulong ng Quezon City LGU

0

Lubos na pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, si Dr. Selva Ramachandran sa kaniyang panunungkulan bilang United Nations Development Programme (UNDP) Resident Representative.

Ang UNDP ay katuwang ng lungsod sa pagpapatupad ng EU-PH Green Economy Partnership Program sa tulong ng European Union, upang isulong ang circular economy partikular ang mga programa na layong mabawasan ang plastic waste at food waste sa lungsod.

Kabilang dito ang pagpapalawak ng refill initiative upang mabawasan ang paggamit ng single-use plastic tulad ng mga sachet, at pagsulong ng rapid composters at biodigesters sa palengke’t barangay sa pag-proseso ng food waste.

Layunin ng nasabing aktibidad na bumuo ng mga inisyatibo sa QC na nakatuon sa plastic-free campaign, pagsusulong ng circular economy at sustainability, gayundin sa pagpapalakas ng anti-corruption at good governance.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *