PNP Chief Ronald “Bato “ dela Rosa nais na personal na makipaglaban kasama ng kaniyang mga pulis sa Marawi

0
bato3

Hindi napigilan ni Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na maging emotional pagkatapos niyang  isalaysay ang hirap na nararanasan ng kaniyang mga tauhan na nakikipagdigma sa mga terorista sa Marawi City.

Sinabi ni Dela Rosa na gusto niyang samahan  ng personal ang kaniyang mga tauhan sa Marami at makipaglaban saMaute group kasama nila.

Naikwento rin ni dela Rosa na noong nagpunta siya sa Lanao, may isang sugatan na Special Action Force (SAF) trooper na nagrequest na mailipat siya ng pwesto malapit sa kaniyang pamilya.

Sagot ni dela Rosa kung pwede lang na siya na ang pumalit sa pwesto ng nasabing SAF trooper ay kanya na itong gagawin.

Dagdag pa ni dela Rosa na kung siya ang mangunguna, papadala niya ang mga scalawag na pulis sa Marawi para makipaglaban at dadalhin niya sa Manila ang mga pulis ng Marawi.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *