PNP may persons of interest na sa pagpatay sa empleyado ng House of Representatives noong Linggo

0

PNP Chief Gen. Nicolas Torre III

May persons of interest nang tinitingnan ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa 63-anyos na empleyado ng House of Representatives noong Linggo.

Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong special investigation task group.

May mga motibo na rin silang tinitingnan sa imbestigasyon ngunit hindi na ito isinapubliko ni Torre.

Inaasahan ng heneral na mareresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na Linggo ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang biktima na si Director Mauricio “Morrie” Pulhin, habang nasa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak sa loob ng isang subdivision sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Samantala,  nag-inspeksyon si Torre sa Ramon Magsaysay High school sa Quezon city.

Nakipag-usap ang heneral sa mga guro, magulang at estudyante at ipinaalala ang pagtawag sa 911 Hotline para sa anumang emergency.

Kasabay nito, nagpa-spot quiz din sya sa mga estudyante sa iba’t ibang subjects at namigay ng cash prize sa mga nakapagbigay ng tamang sagot.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *