PNP pinag-doble ingat ng Malakanyang dahil sa natuklasang kaugnayan ni Police Supt. Maria Cristina Nobleza sa ASG
Inatasan ng Malakanyang ang liderato ng Philippine National Police o PNP na maging alerto at mag doble ingat dahil sa natuklasang kaugnayan ni Police Superentindent Maria Cristina Nobleza sa bandidong grupong Abu Sayaff.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na malaking problema ang idinulot ni Nobleza sa seguridad ng bansa dahil nagkaroon ito ng personal na kaugnayan sa isang Bomb expert ng Abu Sayaff na si Reener Lou Dungon na kasama niyang naaresto sa isang military check point sa Barangay Bacani Clarin Bohol.
Ayon kay Abella mahigpit ang direktiba ni Pangulong Duterte sa militar at pulisya na lalo pang paigtingin ang operasyon laban sa mga teroristang grupo na nagnanais maghasik ng karahasan sa ibat-ibang panig ng bansa.
Inihayag ni Abella na itinuturing na ngayon na isang high risk detainee si Nobleza.
Dahil dito suportado ng Malakanyang ang hakbang ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na ilipat sa PNP General Headquarters sa Kampo Crame si Nobleza.
Ulat ni: Vic Somintac
