PRC patuloy na nagkakaloob ng tulong sa residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City

Tumutulong din ang Philippine Red Cross sa mga residenteng nagsilikas at naapektuhan ng kaguluihan sa Marawi City.
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni PRC Secretary General Atty. Oscar Palabyab , ipinakalat na nila ang kanilang mga tauhan para magbigay ng tulong sa mga residente na ngayon ay nasa Lanao del Norte at Iligan City.
Bukod sa pagkakaloob ng relief assistant , nagkakaloob din sila ng psychosocial support at first aid sa mga evacuees.
At para naman sa mga nais magkaloob ng tulong maaaring icheck ang website ng PRCpara matukoy kung paano ipaparating ang kanilang mga donasyon para sa mga naapektuhan ng kaguluhan.
“Inaasahan kasi natin na tatagal pa ito at kahit ang mga residente na wala sa evacuation center chine-check natin sila sapagkat nandun sila sa mga bahay ng mga kaibigan o kamag-anak nag-evacuate”. – Atty. Palabyab
Ulat ni : Marinell Ochoa