Presyo ng kada pakete ng sigarilyo dapat itaas na rin kasabay ng implementasyon ng smoking ban

Iminungkahi sa Kongreso ng isang espesyalista na gawing ₱400 hanggang ₱500 ang presyo ng kada kaha ng sigarilyo, para hindi na ma-enganyo sa paninigarilyo ang publiko kasabay ng pagpapatupad ng smoking ban.
Ayon sa Pulmonologist na si Dr. Gian Carlo Arandia, kung talagang sincere ang gobyerno na kontrolin ang smoking population sa bansa, dapat aniya ay unahing amyendahan ang Republic Act 10351 o sin tax law.
Sa kasalukuyan nasa ₱60hanggang ₱80 ang presyo ng kada kaha ng sigarilyo.
Lumalabas sa pag-aaral na maraming kabataang estudyante ang nagsisimulang manigarilyo sa edad na 13 ,kaya iginiit ni Arandia na dapat itaas sa 18-21 anyos ang allowed na makabili ng sigarilyo.
Kasabay nito, iginiit ni Arandia na dapat ituring ang problema sa paninigarilyo at epekto nito sa katawan ng tao bilang isang malalang ‘urban health issue’.
Kabilang sa mga sakit na makukuha sa paninigarilyo ang lung cancer, emphysema, chronic obstructive pulmonary disease (copd), paglala ng asthma, tuberculosis at pneumonia.