Presyo ng mga pangunahing bilihin, tataas sa Mayo- BSP

0
bsp1

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na buwan.

Ayon kay BSP Governor Amando Tetancgo Jr. posibeng pumalo sa 3.0 hanggang 3 point 8 ang inflation rate dahil na rin sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo at kuryente.

Sinabi ni Tetangco  ang langis at kuryente ang kadalasang nagtri-trigger para magkaroon ng pagtaas sa presyo ng pagunahing bilihin.

Nauna nang inanunsiyo ng MERALCO ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan na umaabot sa 22 centavos kada kilowatt hour.

Sa datos ng BSP, noong Marso, pumalo na sa 38 percent ang inflation rate at ito ang pinakamataas sa nakalipas na taon kumpara sa 1.1 percent noong  April 2016.

Ulat ni : Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *