Pribadong rice dealer pinayagan na ng Malakanyang na umangkat ng bigas

0
ricepix-new

Binago na ng Malakanyang ang kasalukuyang patakaran sa pag-aangkat ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Secretary to Cabinet at Chairman ng National Food Security Committee Leoncio Evasco Jr. na pinapayagan na ng Malakanyang na umangkat ng bigas ang mga pribadong negosyante ng bigas.

Ayon kay Evasco napagpasyahan ng NFSC board na itigil pansamantala ang kasalukuyang patakaran na government to government importation at gawing government  to private importation.

Inihayag ni Evasco na ang government to government importation system ay bukas sa korapsyon dahil hindi na ito dumadaan sa public bidding kundi negotiated contract.

Tiniyak naman ni Evasco na hindi magkapag-aabuso ang mga private rice importer dahil mahigpit itong imomonitor ng National Food Authority at Bureau of Customs.

Niliwanag ni Evasco na puwede ng umangkat ang mga private importer ng 850,000 metric tons ng bigas upang masiguro ang 15 days to 30 days rice buffer o reservedpara hindi kulangin ang supply ng bigas sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *