Produksyon ng sibuyas sa bansa, stable na- Sec. Piñol

Ipinagmalaki ni Agriculture Sec. Manny Piñol na bumubuti at nagiging maayos na ang produksyon ng sibuyas sa bansa.
Sinabi ni Piñol ang kailangan na lang ngayon ng mga magsasaka, partikular na sa Nueva Ecija, ay karagdagang cold storage.
Paliwanag ng kalihim, isang beses lamang sa isang taon umaani ng sibuyas.
Hindi naman agad agad naibebenta ang sibuyas sa merkado kung kaya kinakailangan na itabi muna ang mga ito.
At kapag nasa cold storage aniya ang sibuyas, karagdagang gastos ulit ito.
Sinabi ni Piñol na nagkakaroon ito ng epekto sa presyo ng sibuyas sa merkado.