Programa sa pabahay ng National Housing Authority, pinarerebisa ni Rep. Benitez
Pina-rerebisa ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez ang programa sa pabahay ng National Housing Authority.
Binigyang diin ni Benitez na hindi na dapat maging trigger happy ang NHA sa implementasyon ng housing program na tayo na lang ng tayo ng units nang walang konsiderasyon at konsultasyon sa mga benepisyaryo.
Masyadong malaking resources ng gobyerno ang nasasayang dahil sa kasalukuyang sistema ng NHA na gumagawa ng housing units na hindi naman akma sa pangangailangan at panlasa ng benepisyaryo nito.
Tiniyak naman ni Benitez na mula ngayon ay hihigpitan na ng kongreso ang pagsasakatuparan ng kanilang oversight function para masiguro na hindi nauuwi sa wala ang inilalaan nilang pondo sa pabahay sa ilalim ng pambansang pondo.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo
