Programang ProtekLOLO, ProtekLOLA, inilunsad ng QC

204001213_5741688339205788_3606941468741191759_n

Para mapalakas pa ang vaccination campaign sa mga senior citizen, inilunsad ng Quezon City government ang programang ProtekLOLO, ProtekLOLA.

Layon nitong mas marami pang nakatatanda ang mabakunahan at mabigyan ng proteksiyon laban sa Covid-19.

Ayon sa City Government, nais nilang makamit ang population protection kaya iba’t-ibang hakbangin ang ginagawa ng lokal na pamahalaan.

Umaasa ang lungsod na mas marami pang nakatatanda ang mabakunahan kapag dumating pa ang mga karagdagang bakuna.

Belle Surara