Promosyon ng public school teachers may garantiya na

0

Photo courtesy: Presidential Communication Office Web

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang isang bagong batas, na magtatatag sa isang career progression system para sa public school teachers at school leaders, na gagarantiya ng promosyon batay sa merito at kuwalipikasyon.

Ang batas, Republic Act 12288, o ang “Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act,” ay nakasabay ng National Teachers’ Month.

Layunin nitong matiyak ang professional development at career growth para sa mga tagapagturo, sa pamamagitan ng pagpapakilala sa isang competency-based promotion system para sa mga nasa elementary at secondary schools.

Sa ilalim ng bagong sistema, ang mga posisyon mula Teacher I hanggang Master Teacher I, ay magsisilbing pundasyon ng expanded career path.

Ang mga promosyon ay ibabatay sa kuwalipikasyon at kakayahan ng tagapagturo, na alinsunod sa professional standards.

Inaatasan ng batas ang Civil Service Commission, Department of Education, Teacher Education Council at ang Professional Regulation Commission, na bumuo ng qualification standards para sa lahat ng public school teaching positions.

Upang magkaroon naman ng mas maraming oportunidad para sa promosyon, inatasan ang Department of Budget and Management na lumikha ng mga bagong teaching position, kabilang ang Teacher IV, V, VI at VII, maging ang  Master Teacher V at VI, at School Principal V.

Ang mga bagong posisyon ay idaragdag sa opisyal na Index of Occupational Services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *