PSupt. Rafael Dumlao ipinaaresto na ng korte kaugnay sa Jee Ick Joo kidnap-slay case

0
dumlao1

Ipinaaaresto na ng Angeles City Regional Trial Court si Police Supt. Rafael Dumlao III na isa sa mga pangunahing akusado sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ang arrest warrant laban kay Dumlao ay ipinalabas ni Judge Ireneo Pangilinan Jr. ng Angeles City RTC Branch 58 na may Petsang April 21, 2017 para sa kaso nitong kidnapping at serious illegal detention.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa kaso ni Dumlao na ang itinuturong  alyas sir Dumlao na sinasabi ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na mastermind sa pagdukot kay Jee noong October 2016 sa Angeles, Pampanga.

Si Dumlao ay restricted to barracks sa PNP Headquarters Support Service sa Camp Crame sa QC.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *