Publiko, pinag-iingat ng LTFRB sa pag-arkila ng van
Pinag-iingat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang publiko sa pag-arkila ng van dahil ang karamihan sa mga ito ay mga kolorum o walang prangkisa.
Paliwanag ng LTFRB, kapag nasangkot sa aksidente ang mga naturang van ay hindi mababayaran ang insurance dahil ang mga ito ay hindi rehistrado.
Ginawa ng LTFRB ang babala makaraang ma-impound ang ilang sa mga van sa Baguio City, na nahuli habang namamasada sakay ang mga teacher na dadalo sa isang seminar ng Department of Education.
Dahil dito, pinapayuhan ng LTFRB ang mga may-ari ng van na kumuha ng prangkisa para maging legal ang kanilang pamamasada at para magkaroon ng katiyakan sa insurance ang kanilang mga pasahero.