Punong tanggapan ng DPWH nilagyan ng barikada

0

Bilang preparasyon sa black Friday protest, may mga inilagay na barikada sa harap ng punong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Maynila.

Ang mga security personnel ng DPWH may suot ding hard hat at pananggalang bilang proteksyon naman sa sarili at tinakpan din maging ang logo ng DPWH.

Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya ang DPWH dahil sa nabunyag na korapsyon sa ilang flood control project.

Matapos namang ipag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang suspensyon sa pagsusuot ng uniporme ng mga empleyado at opisyal ng kagawaran, wala nang nagsuot ng uniporme sa mga empleyado nito.

Sabi ni Dizon, nakararanas kasi ng harassment ang kanilang mga empleyado na sumasakay sa pampublikong transportasyon.

Samantala sa isang pulong balitaan, ay inanunsyo ni Dizon na lalagdaan nya ngayong araw Biyernes ang dismissal order laban kay Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez at Engr. Jaypee Mendoza.

Kinumpirma din ni Dizon na sa susunod na linggo ay magsasampa ulit sila ng patong-patong na kaso sa Ombudsman laban sa mga sangkot sa palpak na flood control projects sa Oriental Mindoro.

Nitong nakaraang linggo personal na nag-inspeksyon si Dizon sa Naujan, Oriental Mindoro kung saan may mga nabuking na palpak na proyekto ng SunWest Construction and Development Corporation, maging ng St. Timothy Construction Corporation at Elite Construction na kapwa konektado sa mga Discaya.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *