Random drug testing, isasagawa ng DEPED sa mga estudyante at mga guro

0
deped

Magsasagawa ng random drug testing ang Department of Education sa lahat ng mga estudyante at guro sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 5.

Ito ang sinabi ni DEPED  Secretary Leonor  Briones.

Ang random drug testing ay bahagi ng Brigada Eskwela 2017 program ng DEPED na pormal na  inilunsad ng opisyal na isinagawa sa ramon duterte memorial national high school sa cebu noong lunes.

Ang Brigada Eskwela ay programa ng DEPED ay isang linggong maintenance week sa mga paaralan kung saan kabilang din rito ang clean-up drive, medical check-ups, at rehabilitasyon ng  mga sirang paaralan.

Ang clean up drive ay isinagawa sa Nangka, Marikina, San Fernando City, La Union at San Andres sa Romblon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *