Religious Gatherings at mga Personal Care Services papayagan na rin sa Laguna simula Mayo 15.

Screenshot_20210514_175430

Kasabay ng pagpapatupad ng GCQ with heightened restriction sa laguna province bukas, Mayo 15, pinapayagan nang makapagsagawa ang iba’t-ibang relhiyon ng kani-kanilang mga pagtitipon at mga pagsamba sa mga kapilya o bahay dalanginan.


Subalit limitado lamang sa ito sa 10% ng venue capacity nito.


Bukod sa mga religous gatherings ay pinapayagan na rin ang iba’t-ibang personal care services katulad ng barber shop, salon, mga parlor at mga spa. subalit limatado pa rin sa 30% capacity ang maaring mai-accomodate ng mga ito. 


Hindi pa muna pinayagang makapag operate sa lalawigan ang mga amusement park, sinehan, internet cafe, mga bar, playground at mga katulad nito.