Report ni Pang. Duterte kaugnay ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, ipinasusumite kaagad sa Kamara
Ipinasusumite kaagad sa Kamara ang report ni Pangulong Duterte kaugnay ng pagdedeklara niya ng batas militar sa buong rehiyon ng Mindanao.
Ayon kay Rep.Teddy Baguilat kailangang maisumite agad ni Pangulong Duterte ang report sa loob ng apatnaput walong oras matapos ang pagdedeklara niya ng Martial Law.
Paliwanag ni Baguilat, kailangan din nilang marepaso ang report ng Pangulo para malaman kung dedesisiyunan nila kung dapat ba o hindi na dapat palawigin ang batas militar na idineklara kagabi ng Pangulo sa Mindanao.