Resolusyon na nag-aatas sa NHA na ipamahagi ang mga unrewarded housing unit sa mga kwalipikadong benepisyaryo inihain sa Kamara

0
Housing-Pandi

Naghain na ng resolusyon sa Kamara si Negros Occ. Rep. Albee Benitez na nag aatas sa National Housing Authority para i-award sa ibang kwalipikadong benepisyaryo ang mga unoccupied at hindi pa naire-reward na housing unit ng AFP PNP BFO BJMP at BuCor.

Sa House joint resolution number 11 ni Benitez, kabilang sa tinutukoy na benepisyaryo para sa unoccupied housing units ay mga public school teacher, empleyado ng mga LGU ng public housing sites, barangay employees, at informal settlers.

Batay pa sa nasabing resolusyon ay ipinauubaya sa NHA ang pag identify ng mga benepisyaryo na maaaring umokupa sa mga unrewarded housing units.

Nabatid na sa 2015 COA report lumilitaw na nasa 8.09% pa lang ang occupancy rate ng mga nasabing housing program.

Samantala bukod kay Benitez, kasama rin sa mga nagtungo sa Pandi Bulacan para sa ocular inspection sa housing units na inokupa ng kamadamay sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Cavite Rep. Strike Revilla at Bulacan Cong. Gavini Pancho.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *