Resolusyon na nagbabasura sa hirit na TRO ni FPRRD laban sa pag-aresto sa kaniya, inilabas na ng Korte Suprema


Inilabas na ng Supreme Court sa website nito ang resolusyon na nagbabasura sa petisyon na TRO, na inihain nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa dalawang pahinang notice ng SC En Banc na pirmado ni Clerk of Court En Banc Marife Lomibao- Cuevas, nakasaad na denied o hindi pinagbigyan ang hirit na TRO laban sa pag-aresto sa dating pangulo at pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC.
Nakasaad din sa resolusyon na pinagkukomento ang mga respondent na opisyal ng pamahalaan, sa petisyon ni Duterte at Dela Rosa sa loob ng 10 araw mula nang matanggap ang kopya ng resolusyon.
Sa naunang pahayag ng SC Office of the Spokesperson noong March 12, ipinaliwanag na nabigo ang petitioners na maipakita na may malinaw at “unmistakable right” ang mga ito para sa agarang pag-iisyu ng TRO.
Moira Cruz