Resolusyon para imbestigahan ang kapalpakan ng MRT, inihain na sa Senado

0
mrt1

Pinaiimbestigahan na ni Senadora Grace Poe ang sunod-sunod na kapalpakan at mga aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit  o MRT.

Sa kaniyang Senate Resolution 355 , iginiit ni Poe na busisiin ang inefficient management and maintenance  ng naturang public transit system dahil sa dumadalas na mga aberya.

Kailangan aniyang malaman kung ano ang nangyari sa 3.8 billion pesos na maintenance contract na pinasok ng MRT 3 pero hanggang ngayon ay tila walang nangyayaring improvement se serbisyo nito sa publiko.

Sa ilalim ng panunungkulan ni dating tTansportation Secretary Joseph Emilio Abaya nai-award ang maintenance contract sa BUSAN  Universal Rail Incorporated o BURI.

Si Abaya rin ang kalihim nang bilhin ng gobyerno ang mga bagong bagon ng MRT sa Dalian Trans na hanggang ngayon ay nakatiwangwang at hindi mapapakinabangan.

Sabi ni Poe, kailangang repasuhin ang mga kontratang pinasok ng gobyerno dahil sa halip na mapabuti ang kondisyon ng mga pasahero, tila lalong sumasama ang serbisyo sa MRT.

Nauna nang kinuwestyon ni Poe ang desisyon ni Ombudsman Conchita Morales na absweltuhin si Abaya sa kasong graft na isinampa laban sa mga opisyal na nasa likod ng umanoy iregularidad sa MRT interim maintenance contract.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *