Resolusyon para imbestigahan ang secret jail inihain na sa Senado
Naghain na ng resolusyon si Senador Bam Aquino para paimbestigahan sa Senado ang nadiskubreng secret jail sa Station 1 ng Manila Police District.
Sa kaniyang resolution 348, hiniling ni Aquino na ipatawag ng Senado si PNP Chief Ronald dela Rosa para magpaliwanag sa pag-abuso ng kaniyang mga tauhan.
Nais rin ni Aquino na papanagutin ang mga abusadong pulis na nasa likod ng paglalagay ng secret jail.
Ang paglalagay ng sikretong bilangguan ay tila pagsuporta pa sa mga nangyayaring summary execution o extra judicial killings.
Paalala ni Aquino, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang sikretong bilangguan sa ilalim ng Bill of Rights ng 1987 Constitution o Republic Act 9745 o ang Anti Torture Act.
Ulat ni: Mean Corvera