Resolusyon para imbestigahan ang tunay na motibo sa pagpapaliban ng brgy. at SK elections sa Oktubre inihain sa Senado
Hiniling ng nakakulong na si Senador Leila de Lima sa Senado na imbestigahan ang tunay na motibo sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Sa kaniyang inihaing resolusyon sinabi ni de Lima na dapat malaman kung bakit pursigido ang gobyerno na mag appoint na lamang ng mga barangay officials sa halip na magsagawa ng halalan.
Maituturing aniyang paglapastangan sa demokrasya kung muli na namang ipagpapaliban ang halalan dahil tila tinatanggalan ng karapatan ng Pangulo ang taumbayan na pumili ng kanilang mga magiging lider.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na sa halip na magsagawa ng Brgy. elections magtalaga na lamang ng mga bagong Brgy. officials dahil mayorya sa mga nakaupo ay sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Sinabi pa ni de Lima dapat alamin kung gaano katotoo ang paratang ng Pangulo.
Gusto ring alamin ng Senadora kung tuloy-tuloy ang paghahanda ng COMELEC para sa nakatakdang Barangay at SK elections.
Binigyang diin ni de Lima na dapat puspusan pa rin ang COMELEC sa ngayon sa preparasyon dahil wala pa namang batas na magpapa-liban sa halalang pambarangay.
Ulat ni: Mean Corvera