Resulta ng 2016 bar exams ilalabas ng Korte Suprema sa May 3

0
sc2

Malalaman na sa susunod na Miyerkules ang resulta ng 2016 bar examinations.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, magdaraos ng special session ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa Mayo a-tres, para talakayin ang resulta ng pagsusulit at ang itatakdang passing rate.

Pagkatapos nito ay iaanunsyo na ng Supreme Court ang mga nakapasa sa bar exams.

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr.  Ang chairman ng 2016 bar exams at mahigit anim na libo ang kumuha ng pagsusulit sa apat na linggo ng Nobyembre sa University of Sto. Tomas.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *