Resulta ng 2016 bar exams, inilabas na ng Korte Suprema

0
bar passers

Mga law graduate mula sa mga paaralan sa probinsya ang namayagpag sa 2016 bar exams.

Ayon kay Justice Presbitero Velasco, Chairman ng 2016 bar exams, kabuuang 3747 ang pumasa mula sa 6344 na bar takers.

Katumbas ito ng 59.06% na passing rate na isa sa mga pinakamataas.

Nanguna sa bar exams na nakakuha ng grado na 89.05% ang  University of San Carlos graduate na si karen May Calam.

Top 2 naman ang taga- Siliman University na si Alanna Gayle Ashley Khio na 88.95%

Dalawa ang nasa top 3 na sina Fiona Cristy Lao mula sa University of San Carlos at Athalia Liong ng Andres Bonifacio College na parehong nakakuha ng 88.80%

Ikaapat naman mula sa University of San Agustin si Alanna Mae Babayen-on na mayroong 88.75%

Nasa ikalimang pwesto naman si Justin Ryan D. Morilla ng Ateneo de Davao University na may gradong 88.40%

Pasok din sa top 10 ang mga law grad mula sa Northwestern University, dalawa pa mula sa.University of San Carlos, dalawa pa mula sa Siliman University at isang taga University of Batangas.

Sinabi ni Office of the bar confidant Atty. Christina Layusa na ito ang kauna- unahang pagkakataon na walang pumasok sa top 10 mula sa mga paaralan na nakabase sa Metro Manila.

Itinakda ang oathtaking ng mga bagong abogado sa May 22, 2017 sa MOA Arena.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *