Resulta ng autopsy report sa dalawang namatay na biktima sa Mandaluyong shooting incident inilabas na
Isang linggo matapos ang madugong followUp operation sa Mandaluyong City, inilabas na ng Eastern Police District o EPD ang resulta ng autopsy report sa dalawang nasawing biktima.
Base sa report ng EPD crimelaboratory…multiple gunshot wound ang cause of death ng biktimang sina
Jomar Hayawon at Jonalin Ambaan.
Ang babaing biktima na isusugod sana sa ospital ng kanyang mga kasamahan ay nakitaan ng malapitang tama sa ulo.
Posible umano na ito ang dahilan kung bakit nagpositibo sya sa gunpowder nitrate na una nang inalmahan ng kanyang pamilya.
Kasabay nito, inilabas na rin ng special investigation task group shaw ang resulta ng kanilang initial investigation.
Dito lumalabas na wala umanong criminal intent sa panig ng mga pulis na tumugon lang base sa impormasyon na ibinigay sa kanila.
Ito ang dahilan kung bakit homicide lang ang ikinaso sa 9 na pulis na nakakulong ngayon sa Mandaluyong Police Station.
Samantala, sumuko na kahapon sa Eastern Police District ang team leader ng mga pulis na si Maria Cristina Vasquez na nagtago matapos ang insidente.
Inilagay na sya sa restrictive custody ng Mandaluyong police habang hinihintay ang resolution ng fiscal.
Sa harap nito.muling tiniyak ng eastern police district na walang mangyayaring whitewash sa kaso ng mga sangkot na pulis.
Bukod sa kasong criminal, umuusad na rin ang kasong administratibo ng mga sangkot na pulis.
Sa harap ng nangyaring insidente nanantili naman na mataas ang morale ng mga pulis Mandaluyong.
Patuloy rin ang pagtugis ng pulisya sa suspek na gunman na si Gilberto Gulpo na unang bumaril sa babaeng biktima na isusugod sana sa ospital ngunit kalaunan ay napatay ng mga pulis.
Ulat ni Erwin Temperante