Rice cartel, tututukan ng Department of Agriculture
Nangako si Agriculture Secretary Manny Piñol na bubuwagin niya ang rice cartel na kumokontrol sa produksyon ng bigas at presyo ng palay.
Ayon kay Piñol, posibleng nagmula sa Bulacan at Binondo, Maynila ang mga rice trader na sangkot sa cartel.
Ito anya ang isa sa mga rason kaya walang ipinatutupad na rice importation kahit sa mais o imported na trigo sa local market.
Iginiit ng kalihim dapat ay nasa bente (P20) hanggang bente dos pesos (P22) lamang ang kada kilo ng palay na bibilhin upang i-balanse ang rice purchases ng pribadong sektor.