Rollback sa LPG, ipinatupad ngayong unang araw ng Agosto

0
lpg

Nagpatupad ng bawas-presyo sa kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang ilang oil companies epektibo ngayong August 1, 2025.

Batay sa advisory, P2.50 ang ipinatupad na rollback ng Petron sa kada kilogram ng LPG kasama na rito ang Value Added Tax (VAT).

Epektibo ito kaninang 12:01 ng madaling-araw.

Nagbawas rin ng presyo ang Solane na nasa P2.45 sa kada kilo.

Epektibo ito kaninang alas-8:00 ng umaga.

TL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *