Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

0
oil 2

Epektibo ngayong araw, nagpatupad muli ng  bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Kaninang alas-6:00 ng umaga. nag-rollback ang  kumpanyang Petron, Eastern Petroleum, Phoenix, PTT, Sea Oil, Unioil at Shell, ng 85 centavos sa kada litro ng Gasoline.

Habang 70 centavos naman ang tapyas presyo sa kada litro ng Diesel.

Piso ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng Kerosene ng kumpanyang Petron, Seaoil at Shell.

Nauna nang nagpatupad ng kapehong bawas presyo sa halaga ng kada litro ng kanilang Gasolina, Diesel at Kerosene ang Flying V kanina pang hatinggabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *