Roxas Blvd. pinaiiwas munang daanan upang hindi makabigat sa daloy ng trapiko
Walang major closure ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kaugnay sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Col. Bong Nebrija, MMDA Special Operations Task Force commander, sila ang mamamahala SA traffic management at may mga itinalaga na silang mga enforcer na gagabay sa mga kalyeng daraanan ng Pangulo ng China.
Stop and Go SCHEME lamang aniya ang kanilang gagawin kung saan pipigilan o pahihintuin lang ang mga sasakyan kapag daraan na ang SASAKYAN ng bisita. N
Nakiusap rin si Nebrija sa publiko na iwasan munang DUMAAN SA KAHABAAN NG Roxas Boulevard, Luneta at malacaÑang area kung wala namang mahalagang pupuntahan upang hindi na makadagdag sa masikip na daloy ng trapiko .