SAF troopers na nasa Marawi, balik Maynila na sa Miyerkules – PNP Chief
Nakatakda nang bumalik na ng Maynila ang mga tropa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na idineploy sa Marawi City na tumulong sa militar para makipaglaban sa mga teroristang Maute.
Ayon kay PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa, mga miyembro sila ng PNP-SAF sa pamumuno ni Police director Benjamin Lusad na nagsilbing “silent operators.”
Nangangahulugan ito na hindi lagi naha-highlight ang kanilang mga accomplishment dahil nagtatrabaho ang mga ito kasama ang militar.
Maganda aniya ang feedback na kaniyang nakukuha mula sa mga military commander kaugnay sa SAF troopers lalo na sa kanilang work ethics kaya bibigyan niya ito ng parangal.