Sandiganbayan naglabas ng 3 warrant of arrest Laban kay dating Maguindanao Gov. Sajid Ampatuan

0
sajid

Naglabas ng tatlong warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan.

Ito ay kaugnay ng patung patong na kasong falsification of public fund, malversation at graft na isinampa ng Ombudsman laban kay Ampatuan at iba pang opisyal kaugnay sa 72 million pesos na pondo para sa pagtatayo ng mga school building.

Batay sa inilabas na warrant of arrest laban kay Sajid Ampatuan, 24,000 pesos kada bilang ng kaso o mahigit 3.2 million pesos ang piyansa para sa isang daan at tatlumput pitong bilang ng falsification of public fund.

40,000 pesos kada bilang ng kaso o 160,000 pesos naman para apat na bilang ng malversation of public funds at 30,000 pesos kada bilang ng kaso o 120,000 pesos para apat na bilang ng graft.

Bukod kay Sajid Ampatuan pinapaaresto rin ang mga kapwa akusado nito na sina  John Estelito Dollosa Jr., Kasam Macapendeg, Osmena Bandila, Engr. Norie Unas, Datu Ali Abpi Al Haj, at Engr. Landap Guinaid.

Pirmado ang warrant of arrest ni Justice Rodolfo Ponferrada, chairman ng 6th Division ng Sandiganbayan.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *