SC hinarang ang pag-release sa ₱8.5B na back pay ng NAPOCOR employees

0
napocor

Hinarang ng Korte Suprema ang  8.5 billion pesos na hinihinging back allowances ng  mga kawani ng National Power Corporation.

Ang nasabing back pay ay para sa dagdag na Cost of Living Allowance o COLA at Amelioration Allowance na hindi nabayaran mula July 1, 1989 hanggang March 16, 1999 ng NAPOCOR employees.

Sa desisyon ng Supreme Court, binaligtad at ipinawalang-bisa nito ang ruling ng Quezon City Regional Trial Court noong November 2008 at ang inisyu nitong writ of execution na pumapabor sa petisyon ng mga empleyado ng NAPOCOR.

Ginawa ring permanente ng Korte Suprema ang TROna inisyu nito laban sa implementasyon ng ruling ng trial court.

Kinatigan ng Korte Suprema ang apela ng gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General laban sa naturang backpay.

Ayon sa Korte Suprema, dapat naging maingat ang RTC sa pagdesisyon lalo na’t mahigit walong bilyong pisong pondo ng pamahalaan ang halagang sangkot.

Paliwanag ng SC, alinmang hirit na monetary claim mula sa gobyerno ay dapat na idinadaan sa Commission on Audit.

Sa ilalim din ng Supreme Court Administrative Circular No. 10-2000, pinaghihinay hinay ang mga trial court sa pag-iisyu ng writ of execution sa mga kasong may kinalaman sa claim sa public fund.

Hindi naniniwala ang Korte Suprema na nabawasan ang kompensasyon ng mga empleyado ng NAPOCOR nang ipatupad ang RA 6758 o Compensation and Position Classification Act of 1989.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *