SC pinagtibay ang pagbasura nito sa kahilingan ni Jinggoy Estrada na maalis sa record ng Sandiganbayan ang testimonya ni Benhur Luy

0
jinggoy1

Pinanindigan ng Korte Suprema ang pagbasura nito sa hiling ni Dating Senador Jinggoy Estrada na matanggal sa rekord ng Sandiganbayan ang testimonya ng pangunahing testigo sa pork barrel fund scam na si Benhur Luy.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, ibinasura nito ang motion for reconsideration ni Estrada dahil sa kabiguan na magprisinta ng bagong argumento.

Ang testimonya ni Luy ay kaugnay sa kasong plunder laban kay Estrada dahil sa sinasabing maanomalyang paggamit ng kanyang PDAF.

Sa resolusyon ng SC noong January 24, 2017, sinabi na walang pagmamalabis sa panig ng Sandiganbayan Fifth Division nang tanggapin nito bilang ebidensya ang testimonya ni Luy,  at ang mga kopya ng cash at check disbursement report na iprinisinta ng prosekusyon.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *