School principal sa Midsayap sa North Cotabato pinagbabaril ng riding-in-tandem

Courtesy: GO Midsayap
Kritikal ang lagay ng isang school principal matapos itong barilin ng riding-in-tandem sa tapat mismo ng Midsayap Agriculture Elementary School, sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon sa PNP Midsayap, ang biktima ay nakilalang si Arlyn Alcebar, itinalagang punong guro sa nabanggit na eskuwelahan.

Courtesy: GO Midsayap
Papasok na sana si Alcebar sa mismong gate ng eskuwelahan habang nagmamaneho sa kaniyang SUV, nang lapitan ng riding-in-tandem at saka pinagbabaril.
Nagdulot naman ng takot at pangamba sa mga nakasaksi, guro at mga estudyante ang nangyari sa kanilang school principal.

Courtesy: GO Midsayap
Naglunsad na ng hot pursuit operation ang PNP North Cotabato laban sa tumakas na mga suspek.
Ely Dumaboc