Security personnel ng pamahalaan walang nakikitang banta sa ASEAN summit
Tiniyak ng mga security personnel ng pamahalaan na ligtas at walang nakikitang banta sa seguridad kaugnay ng isasagawang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN summit sa Metro Manila.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa security briefing sa Malakanyang na handa ang buong puwersa ng security agencies ng pamahalaan sa pangunguna ng Philippine National Police at AFP para pangalagaan ang seguridad ng mga deligado sa ASEAN summit.
Ayon kay Padilla ang Joint Task Force ay may sapat na kaalaman para sa pagbibigay ng seguridad sa foreign dignitaries at mga lugar na pagdarausan ng mga pagpupulong.
Ulat ni: Vic Somintac
