Seguridad ng ASEAN Summit sa bansa, ikinasa na ng Malacañang.

0
Seal_of_ASEAN.svg

Inihayag ni National Organizing Committee for ASEAN Ambassador Marciano Paynor na nakafull alert ang lahat ng security agencies ng bansa sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation Summit sa susunod na buwan.

Sa Briefing sa Malacanang sinabi ni Paynor na magiging mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaan sa seguridad ng mga dadalo sa nasabing summit at pangungunahan ito ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at maging ang Presidential Security Group na siya namang magbabantay sa mga State leaders na dadalo sa Summit.

Ayon kay Paynor hindi lang sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga nakataas ang security alert kundi sa buong bansa.

Ang ASEAN Summit ay isasagawa sa Clark Pampanga at Philippine International Covention Center sa Lungsod ng Pasay.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *