Seguridad para sa ASEAN summit, kasado na ayon sa NCRPO

0
asean1

Handang handa na ang apatnapu’t isang libong security forces para magbigay  seguridad sa ASEAN summit na gagawin sa PICC sa Abril 26 hanggang 29.

Kasunod ito nang isinagawang send-off ceremony sa Quirino Grandstand para sa lahat ng security and emergency response forces para sa ASEAN summit.

Ayon kay  NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde dalawampu’t anim  na libong unipormadong pulis at sundalo ang ide-deploy sa nasabing event.

Ipapakalat din ang labing limang libong force multipliers mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bukod pa sa augmentation force na ipinadala mula sa Regions 1, 3 at 4.

Tiniyak ni Albayalde na handang handa na sila para sa pagbibigay seguridad para matiyak ang seguridad ng lahat ng mga dadalong state leaders at mga delegado nito.

Wala naman aniya silang namo-monitor na anumang banta sa ASEAN summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *