Seguridad sa lahat ng airport sa Pilipinas, hihigpitan

0
naia

 

Hinigpitan na ang seguridad sa lahat ng airport sa buong Pilipinas dahil sa kaguluhan na nangyayari sa Marawi City.

Ayon kay Chief Supt. Sheldon Jacaban, PNP Aviation Security Group Director, iniutos na niya salahat ng airport na maghigpit ng seguridad at maglagay ng check point sa bawat pasukan at labasan.

Sinabi naman ni Senior Insp. Clairamie Sandulan, PNP-Avsegroup Public Information Officer, naglagay sila ng mga personel na magbabantay ng seguridad sa bawat area ng airport pati na mga k-9 unit na magmamasid sa bawat lugar.

Magdadagdag din ng mga pulis sa airport para makatulong at mapanatili ang kaayusan sa airport pati na rin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Inaasahan na makikisama ang mga aviation unit at special force para mas mapatatag ang seguridad ng lahat ng airport sa Pilipinas.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *