Senado, bukas na magpatawag ng special session para talakayin ang martial law

0
Senate-of-the-Philippines-380x280

Bukas ang senado na magpatawag ng special session para talakayin ang extension ng martial law.

Itoy kung hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na talakayin ang posibleng pagpapalawig pa ng martial law sa mindanao.

Gayunman, sinabi ni Senate President Vicente Sotto na oobligahin aniya ng mga senador ang military officials na magsagawa muna ng military briefing para malaman kung kinakailangan nga bang palawigin ang martial law.

“If the executive department is proposing an extension of martial law, we have to have a briefing. we need to decide intelligently,”

Iginiit naman ni Senador Aquilino Koko Pimentel na kailangang nalaman ng senado ang mga batayan sa pagpapalawig ng martial law

Partikular na nais malaman ni Pimentel kung gaano pa kalawak ang banta ng terorismo sa mga lalawigan sa Mindanao

“dapat kung meron man request there should be briefing and bakit justified pa even after 1 year and 7 months, open mind lang din kami at saka truth be told nagtatanong ako sa kapwa ko taga mindanao wala akong naririnig na objection on ml open pa nga ang iba pero ang point of view of legis kailangan ibriefing kami”

Kung ang request aniya ng pangulo at isusumite sa kongreso pagkatapos mag adjourn sa December 12, handa naman silang bumalik sa trabaho para sa joint session
May 23 2017 nang magdeklara ng martial law ang pangulo sa mindanao matapos salakayin ng grupong maute ang marawi city.

Pero dahil tumagal ng halos limang buwan ang bakbakan, dalawang beses itong pinalawig ng kongreso na matatapos sa December 30 ngayong taon

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *