Senador Gordon, target na umano ng online demolition job

243428283_225419236290107_4848818248952128661_n

Umalma si Senador Richard Gordon sa patuloy na pag-atake laban sa kaniya dahil sa pag- iimbestiga sa umano’y anumalya sa medical supplies.

Ayon kay Gordon, target na siya ngayon ng tinawag niyang online demolition job dahil sa pagkalat ng fake news at disinformation stories laban sa kaniya.

Desidido aniya ang kaniyang mga kritiko sa ginagawang pag-atake sa kaniya na nagsimula nang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang umano’y overpriced na mga facesmask, faceshield, PPE at iba pang medical supplies na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Isa sa tinukoy ng Senador ang balitang humingi na umano siya ng paumanhin sa Pangulo na lumabas sa isang pro-administration social media account.

Bukod pa rito ang alegasyon na ginawa niya umanong money making business ang Philippine Red Cross para i-discourage ang publiko na huwag nang mag-donate ng kanilang dugo.

Meanne Corvera