Senador Ping Lacson, binuweltahan si Captain Nicanor Faeldon , mga alegasyon nito pawang kabaliwan

0
lacson

Binatikos ni Senador Panfilo Lacson si Captain Nicanor Faeldon matapos
syang akusahang umanoy nasa likod ng pagpapahirap sa kanya habang nasa
loob ng senate detention.

Ayon kay Lacson, ang alegasyon ni Faeldon ay bunga lamang ng kaniyang
kahibangan at maruming imahinasyon.

Si Senador Richard Gordon ang nag-utos na ipakulong si Faeldon matapos
tumangging makipagtulungan sa imbestigasyon sa nangyaring 6.4 billion
shabu shipment.

Pero ayon kay Faeldon, tumanggap si Gordon ng utos mula kay
Lacson matapos nyang akusahan ang anak nito na sangkot umano sa
smuggling ng semento.

Sinabi ni Lacson na hindi nakapagtataka na nakasuhan si Faeldon
kablang na ang agricultural smuggling dahil wala itong alam sa mga
umiiral na batas.

Bwelta pa ni Lacson, mas abala kasi si Faeldon sa pagbibilang ng
mga natatanggap na tara o lagay sa customs sa halip na pag-aralan ang
customs and tariff code.

“No wonder Faeldon is in big trouble facing a non-bailable case of
agricultural smuggling. He doesn’t have a clue about the Customs and
Tariff Code and the CMTA. Why? There can’t be smuggling of cement
simply because it is not subject to tariff.
“For quite a long time that he served as commissioner, he dedicated
most, if not all his time counting tara instead of learning the
Customs Code”

Si Faeldon ay una nang kinasuhan ni Lacson sa ombudsman ng graft at
economic saboitage dahil sa pagpapalabas ng mga smuggled na bigas
noong ito pa ang pinuno ng customs.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *