Senador Sherwin Gatchalian, nagpaliwanag sa hindi magandang inasal sa social media
Nagpaliwanag na si Senador Sherwin gatchalian sa pagmumura at hindi
magandang reply sa kaniyang mga bashers sa social media.
Ayon kay Gatchalian, napuno lang sya sa aniyay pangpo provoke ng mga
trolls na walang ginawa kundi sirain ang isang indibidwal.
Sinabi ng senador na kaya naman niya ang anumang pang-iinsulto pero gaya ng isang ordinaryong tao,
meron rin syang hangganan.
Una nang umani ng batikos sa social media ang umanoy unparliamentary
act hindi magandang inasal ng senador sa kaniyang mga followers
matapos syang tawaging trapo o traditional politician dahil sa
pagpanig kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ulat ni Meanne Corvera