Senadora Leila de Lima, binuweltahan ng Malacañang sa mga banat kay Pangulong Duterte

0
photo_2017-02-24_18-53-24

Hindi na dapat pansinin ang mga banat ni Senadora Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang ginagawang pag-iingay ni Senadora de Lima ay epekto lamang ng pagkabagotcsa kulungan.

Ayon kay Roque nananatiling taglay ng Pangulo ang tiwala ng nakakaraming pinoy.

Inihayag ni Roque malabo ang mga akusasyon ni de Lima na si Oangulong Duterte ay may balak na maging diktator dahil sa paglutang ng term extension kaugnay ng pagsusulong ng Charter Change o CHACHA sa kongreso.

Iginiit ni Roque na malinaw ang posisyon ng Pangulo na sa sandaling magbago na ang sistema ng pamahalaan mula presodential patungong federalismo nais ng Presidente na hindi na niya tatapusin ang kanyanh termino.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *