Senator Manny Pacquiao , planong sumabak sa 2022 presidential elections

pacman-1

Inamin ni Senador Emmanuel Pacquiao na nag-aambisyon rin siyang kumandidato bilang pangulo ng bansa sa 2022 national elections.

Sa isang zoom press conference, sinabi ni Pacquaio na gaya sa boxing hindi sya nakipagbakbakan para sa 4 o 10 rounds kundi maging world champion.

Lahat aniya ng pulitiko ay nangangarap rin na maging pangulo.

pero iginiit ng Senador na ang pagiging pangulo ay itinadhana.

Meanne Corvera