Senior Citizen sa Makati makakatangap na ng midyear cash gift sa Hunyo

0
senior citizen

Makakatangap na ng kalahati ng kanilang midyear cash gift ang mahigit na 77,685 registered senior citizen sa Makati simula June 1.

Naglaan ang city government ng ₱326 million cash gift at centenarian incentives sa ilalim ng BLU card, Elderly Welfare Section ng Makati Social Welfare Development.

Dinagdagan ng ₱1,000 ang yearly cash gift dahil sa na ipasa na city ordinance noong December.

Makakatangap ng ₱3,000 ang mga BLU card holder na nasa edad 60-69; ₱4,000 sa 70-79; at ₱5,000 sa 80 pataas.

Ibibigay ang cash gift sa dalawang equal installment sa June at December.

Isasagawa ang pagbibigay ng cash gift mula June 1 hangang June 23 sa bawat barangay mula alas nueve ng umaga hangang alas tres ng hapon.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *